Quantcast
Channel: ellen tordesillas » Alabang boys
Viewing all articles
Browse latest Browse all 10

Sana magkaroon ng katuturan ang pagpalaya sa Alabang Boys

$
0
0

Santiago and Marcelino: a good team at PDEA

Maayos naman ang mga reaksyun ng dating hepe ng Philippine Drug Enforcement Agency na si Dionisio Santiago at ni Marine Major Ferdinand Marcelino ng dating hepe ng PDEA Special Enforcement Service sa pagpawalang sala sa dalawa sa tatlong akusado sa grupong tinagurian ng media na “Alabang Boys.”

Pinalaya na sina Jorge Joseph at Richard Brodett , kabilang sa mga mayayaman na pamilya,pagkatapos ma- absuwelto ng Muntinlupa Regional Trial Court Judge Juanita Guerrero ng paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act ng 2002.

Maala-ala na nahuli sila sa isang buy-bust operation na nagbe-benta ng shabu sa ahente ng PDEA noong Septyembre 20, 2008 sa Ayala Alabang, tirahang eksklusibo para sa mga mayayaman. Ang isa pa nilang kasama na si Joseph Tecson ay nahuli sa magkaibang operasyun sa Quezon City. Naghihintay na rin ng desisyun ng korte si Tecson.

Sa desisyun ni Guerrero, sinabi niya na hindi napagdugtung ang paghawak ng nakumpiska na droga kina Brodett at Joseph. May nakita raw silang hindi magkatugma sa mga testimonya ng prosecution.

Sabi ni Santiago ginagalang niya ang desisyun ng korte ngunit malinis ang konsyensya niya na tama ang kanilang ginawa:” “My conscience is clear. I don’t know their conscience. Bahala sila, kanya-kanyang dalahan ‘yan dito, matatanda na kami e.”

Sabi ni Major Marcelino na ngayon ay bumalik na sa Philippine Marines “Wala naman po kaming personal grudge or whatever animosity sa mga tao na ‘to. Ginawa lang po namin ang trabaho namin na naa-ayon sa batas to the best of our knowledge and ability.”

Dagdag pa niya,”Siguro binibigyan sila ng Panginoon ng pangalawang tsansa sa buhay at sana hindi po nila sayangin ang chance na yun.”

Ano pa nga ba ang masasabi ni Santiago at ni Marcelino. Pagkatapos nila nagawa ang kanilang trabaho na paghuli ng mga naglalako ng bawal na gamut, diskarte na yun ng prosecution.

Hindi itinawag ng prosecution sina Santiago at Marcelino para ipaliwanag ang paghawak ng nakumpiska na bawal na gamut kina Brodett at Joseph.

Sabi naman ni Prosecutor Agripino Baybay III, sinabi na raw kasi ng korte na malakas ang kanilang ebidensya. Ito raw ang sabi ng korte nang idinismis ang petisyun ng tatlo para sa piyansa. “The prosecution’s evidence is strong to warrant conviction sans evidence to the contrary.”

“Ang ibig sabihin niyan,” sabi ni Baybay ay “hindi naming kailangan magdagdag ng ebidensya at that time.”

Ay ewan.

Resado (in front of mike) and Blancaflor: side issues in Alabang Boys case . Photo from Flickr.

Maala-ala natin na may ibang isyu tungkol sa bayaran sa mga opisyal ng DOJ na nabulgar sa simula ng kasong ito.

Noong araw na kinausap nji dating Justice Undersecretary Ricardo Blancaflor si Marcelino tungkol sa kaso ng Alabang Boys na hawak ng kanyang ka-fraternity sa Ateneo na si Atty. Felisberto Verano, Jr., may pumasok na P2.6 milyon sa kanyang bank account.

Sa araw na inilabas ng DOJ ang pagbasura ng kaso ng mga Alabang Boys noong Disyembre 2008, may pumasok na P800,000 sa bank account ni Prosecutor John Resado.

Bago bumaba sa Malacanang si Gloria Arroyo, hinirang niya si Blancaflor na director general ng Intellectual Property Office. Hanggang ngayon nandun siya at hindi naman ginalaw ni Pangulong Aquino.

Si Resado ay nandun pa rin sa DOJ.

Sabi ni Marcelino, sana lang hindi kakalimutan ng mamayang Pilipino ang kakabit na isyu sa kaso ng Alabang Boys at huwag pumayag na insultuhin ng mga mayayaman at makapangyarihang mga tao ang ating hustisya katulad ng nangyari noong panahon ni Justice Secretary Raul Gonzales.

Related links:

1.Arroyo orders filing of bribery charge vs Resado but also wants Marcelino investigated

2. Blancaflor deposited P2.6 million on the day he talked with Marcelino re Alabang Boys

3. NBI clears prosecutors, sats Marcelino obstructed probe

4. Release order prepared by drug suspects’ lawyer

5. The Marine who said “No”

6.Prosecution flaws bog down fight vs drugs

7. Interagency feud weakens anti-drug campaign


Viewing all articles
Browse latest Browse all 10

Latest Images

Trending Articles





Latest Images